Wednesday, May 12, 2010

ako?

ngayong araw may dalawang bagay ang nangyari...na hindi ko alam kong dapat ko bang ikatuwa o ikalungkot ko...una...tumawag sa akin ang tatay ko ibinalitang nakapasa ang nanay ko sa exam nila...bali lahat ata silang empleyado e nag-exam at kong babagsak ka e tatanggalin ka na sa trabho...masyadong malupet di ba...pero hindi ko rin alam kong makatarungan ba iyon o hindi kasi tulad niyo hindi rin ako familiar sa patakaran sa trabaho sa ibang bansa...pangalawa nakita ko sa na lumabas na ang resulta ng exam sa mga midwife at nakapasa iyong pamangkin ng asawa ng tito...ahm,...nasusundan niyo ba ang punto ko o malabo pa sa inyo...oo...dinadaga ako..natatakot...na baka hindi ako maging mapalad tulad nila...at lalong mahirap kong maikumpara sa kanila...sabagay ano nga ba ipinagkaiba ng test ko sa kanila?...hindi ko rin alam..hindi masasabing mas mahirap ang accountancy sa midwifery kasi accountancy lang ang tinapos ko at hindi midwifery...hindi ko rin alam kung tungkol saan ang pagsusulit ng nanay ko pero ito ang sigurado ko masasaktan ako kung hindi ako magiging mapalad tulad nila.

No comments:

Post a Comment