Saturday, May 15, 2010

bukas na!!!!!!!!!!!!

ewan..grabeng kaba ko..di ko na nga alam gagawin ko e...gusto ko mag-aral kso ayw mkisama ng utak ko....uq pilitin bka ms mhirpan ako..wah..naiiyak na ko...help me lord.

Wednesday, May 12, 2010

ako?

ngayong araw may dalawang bagay ang nangyari...na hindi ko alam kong dapat ko bang ikatuwa o ikalungkot ko...una...tumawag sa akin ang tatay ko ibinalitang nakapasa ang nanay ko sa exam nila...bali lahat ata silang empleyado e nag-exam at kong babagsak ka e tatanggalin ka na sa trabho...masyadong malupet di ba...pero hindi ko rin alam kong makatarungan ba iyon o hindi kasi tulad niyo hindi rin ako familiar sa patakaran sa trabaho sa ibang bansa...pangalawa nakita ko sa na lumabas na ang resulta ng exam sa mga midwife at nakapasa iyong pamangkin ng asawa ng tito...ahm,...nasusundan niyo ba ang punto ko o malabo pa sa inyo...oo...dinadaga ako..natatakot...na baka hindi ako maging mapalad tulad nila...at lalong mahirap kong maikumpara sa kanila...sabagay ano nga ba ipinagkaiba ng test ko sa kanila?...hindi ko rin alam..hindi masasabing mas mahirap ang accountancy sa midwifery kasi accountancy lang ang tinapos ko at hindi midwifery...hindi ko rin alam kung tungkol saan ang pagsusulit ng nanay ko pero ito ang sigurado ko masasaktan ako kung hindi ako magiging mapalad tulad nila.

Thursday, May 6, 2010

napakawalang kwenta ko talaga!!!!

bakit ko nga ba nasabing wala akong kwenta....cguro kc nanghihinyang ako para sa isang araw na naman na wala akong ginawa..natulog at ngdownload lang ako ng kanta imbes na magreview...sa totoo lang hindi ko na talaga alam ang gagawin ko....andun yong kagustuhan kong pumasa ng maging cpa na ako...pero anong magagawa ko kung bakit ayaw makisama ng katawan ko..sa tuwing sinisumalan ko na mag-aral ayan na ang antok na kalaban ko...hy..sa totoo lang naiiyak na nga ko habang tinatype ko to..alam mo iyon madami umaasa na papasa kasi sabi nga nila matalino ako..ewan ko lang din kung totoo ba iyon..pero seryoso...maicp ko pa lng n babagsak ako..naiiyak na ako para sa magulang...alam kong dmi nila sinakripisyo para sa makapagtpos ako at makapag-enrol sa review...pero ano ba itong ginagawa...kayo sa tingin niyo papasa ba ako?ilang araw na lng natitira sa akin para mgreview...ewan kinakabahan ako na ewan...hindi ko na nga alam kung ano gagawin ko pero naiicp ko na lang mas alam ng diyos kung ano makakabuti sa akin kaya siya na bahala na siya magdecide kung ipapasa niya ko..pero xmpre gusto ko pumasa para sa mga taong naniniwala na kya ko...sna nga d ko cla mabigo...

Thursday, March 11, 2010

pumasa daw ang may karapatan

iyon ang sinabi ng reviewer ko sa tax kanina...napaisip tuloy ako kung may karapatan nga ba ko..naisip ko 50-50 ako...yaan niyo balitaan ko kayo sa may kung may karapatan nga ba ko...

Tuesday, March 9, 2010

sabi ko...

sabi ko mag-aaral na ko..malapit na kasi ang paghuhukom..at kelangan kong maging sertipikadong magtutuos...hy...pro bakit nga ba pagbablog ang inaatupag ko....wala lang gusto ko lang mailabas ang mga nasa kalooban ko.ni hindi ko nga alam ang tamang pagbablog pero go pa rn ako...ikaw ba naman ang mag-isa at wala makausap at makasama....tipong literal kang nag-iisa hehe...ano nga ba ang nararamdaman ko..una feeling ko ang bobo ko kumpara sa mga kaklase ko sa review..talaga kasing ang gagaling nila...sabagay pano nga ba naman sila gagradw8 ng accountancy kung hindi talaga sila nag-aaral di ba...e ang balita ko...talagang salang-sala sila..sabagay ganun din naman sa skul namin..naalibadbaran na lang siguro sa pagmumukha ko o namin ang dean namin kaya kami pinagradweyt...haha...pangalawa...gulong-gulo na utak ko kung paano ko babayaran ang mga pagkakautang ko..maniniwala ba kayong humigit-kumulang dalawang daan na lang ang pera ko at kelangan ko pa iyon paabutin ng isang linggo..eh sa takaw kong ito hindi ko na alam kong pano ko pagkakasyahin ang kakarampot na pera ko....pangatlo....dahil sa kawalan ko ng pera..feeling ko ang pangit-pangit ko na...oo iyon talaga ang feeling ko..my mga tumutubo na naman kasing anik-anik sa mukha ko...papano hindi ko na mabili yong gamot para hindi dumami pimples ko....hy...paano ko makakapag-asawa nito ng mayaman kong pangit ako...iyon pa naman ang plano ko..naawa na kasi ako sa parents puro na lang kahirapan nararanasan nila..atlis kung makapag-asawa ko mayaman instant milyonarya kami di ba....hehe...panghuli at pinakamalalang problema ko...ang katamaran ko..kelangan ko na talaga magreview ng maging cpa na ko..pero hindi ako makapag-aral ng totoo..teka parang my pag-aaral na peke a...sabagay meron nga pla nun dito sa recto...

kawalang pag-asa

ikaw ba ay nawawalan na ng pag-asa..puwes pareho tayong dalawa...pde ba tayong magkita?haha...sa totoo lang gusto ko na lang matulog at kalimutan ang problema...kso alam ko pag gising ko anjan pa rin xa at yoko namang matulog ng walang gisingan dahil malalagot ako sa magulang ko ng bonggang-bongga....gnun naman talaga ang problema hindi ba...hindi mo talaga matatakasan kahit gustuhin mo pa...sabi nga nila...ang problema hindi tinatakasan kundi hinaharap...pero peste madaling sabihin pero ang hirap gawin..